Sa pamamagitan
ng
pamamahala sa Iyong Iglesia,
Ama,
malinaw pong naririnig Kita;
sinasabi
Mong ako’y Iyong mahal—
ililigtas
ako kung magpakasakdal.
Nakikipagtipan—
Ama,
naririto ang sagot ko naman
sa
ibinigay Mong mga kautusan;
sa
aking pagtupad, maanong gabayan,
pakipagpala
po ang Iyong hinirang.
(1) Iibigin
kita—
pagsusumikapang
sa Iyong paningin
ay
mamamalaging tapat na alipin;
ipinangangako
na laging susundin
ang
mga utos Mo at mga tuntunin.
(2) Sa
mga pagsamba
at
pagkakatipon sa Iyong Iglesia
ay
tinatanggap ko ang Iyong salita,
kaya
sa Iyo, Ama’y ang lagi kong sumpa
pagtatapatan
ko ang ganitong gawa.
(3) Di
ako uurong—
hindi
na babalik sa kapahamakan
sapagkat
tiyak ko na ang kaligtasa’y
sa
Iglesiang ito lamang makakamtan—
Iglesia
Ni Cristo ang kanyang pangalan.
(4) Sumasampalataya—
sa
mga bagay Mong hindi nakikita
nananalig
akong buong-buo, Ama,
sa
Bugtong Mong Anak, sumasampalataya,
Kayo
aking Ama’y pinakasasamba.
(5) Pagsusumikapang
laging
malugod Ka sa Iyong hinirang—
ipinangangakong
di ko lalakaran
ang
buhay na liko at gawa ng laman,
mabubuhay
ako nang may kabanalan.
(6) Sa
Iyong Iglesia
ang
aming turingan ay magkakapatid;
Ama,
sa panig ko, anumang sasapit
dito
sa puso ko’y hindi mawawaglit
ang
pagmamahal ko sa aking kapatid.
(7) Pagtatalagahan
gawang
paghahandog pati paglalagak
pagkat
mula rito ang gugol-pantatag
at
pagpapaayos sa mga sambahan
kung
saan ka namin pinapapurihan.
(8) Ako’y
magbubunga—
ako
ay patuloy na magsisigasig
na
makapag-akay ng mga babalik
sa
mga aral Mo na tinatangkilik
dito
sa Iglesiang Iyong iniibig.
(9) Pakamamahalin—
ang
ipinagkaloob sa aking tungkulin
ay
taos-sa-puso na laging tutupdin;
pagtatalagaha’t
tapat na dadalhin
nang
upang huwag Mong bawiin sa akin.
(10) Walang
reserbasyong
ako’y
pasasakop sa pamamahala
pagkat
ako, Ama’y sumasampalatayang
sinugo
Mo sila upang pangunahan
ang
pagsamba namin sa Iyong pangalan.
(Nagmamakaawa—
hanggang
dito, Ama’t ako’y umaasa,
na
gagabayan Mo ang aking paggawa
huwag
pong itulot na ako’y manghina…
sa
Banal Mong Bayan, tayo’y magkikita!)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento