Nang
pasimulan mo
ang
iyong gampanin bilang huling sugo,
ikaw
ay nilait, inusig ng tao;
pinagtawanan
ka nang marinig sa iyo
ang
mga doktrina na anila’y bago.
Ang
di nila alam
at
hindi nagawang sampalatayanan,
Mahal
na Ka Felix, ikaw ay hinirang;
sugo
ka ng Ama na kinasangkapan
nang
muling bumangon ang kay Kristo’ng kawan.
At
nagpatuloy ka
sa
iyong gampaning kaloob ng Ama;
ma-araw,
ma-gabi ay walang pagod ka
sa
buong ningas mo na pagdo-doktrina
at
pagpapahayag ng Kanyang salita.
Palibhasa’y
tapat
at
taos-sa-puso ang iyong pagtupad
pinagpala
ng Dios ang lahat mong lakad;
iningatan
ka Niya at pinagtagumpay
sa
masamang balak ng mga kaaway.
Kung
pumanaw ka man
at
pinagpahinga ng sa iyo’y humirang,
Mahal
na Ka Felix, ang totoo po n’yan,
itinuturing
kong hindi ka lumisan
kapiling
ka namin sa kasalukuyan.
Nakikita
kita
sa
pamamahalang higit pa sa labis
ang
pinupuhunang pagmamalasakit;
nadarama
kita sa bawat kapatid
na handang sumunod kahit pa magtiis.
Ka
Felix! Ka Felix! Ang tula
pong ito
ay
inihahandog sa alaala mo!